Zubiri ‘vacation mode’ muna matapos mapatalsik bilang Senate President

Matapos magbitiw sa posisyon bilang Senate President, inihayag ni dating Senate President Juan Miguel "Migz" Zubiri na magbabakasyon siya ng tatlong linggo para magkaroon ng 'me time' at makaiwas sa magulong mundo ng politika sa Pilipinas.

Matapos magbitiw sa posisyon bilang Senate President, inihayag ni dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri na magbabakasyon siya ng tatlong linggo para magkaroon ng ‘me time’ at makaiwas sa magulong mundo ng politika sa Pilipinas.

Ngayong wala na siya sa pamumuno ng Senado, sinabi ni Zubiri na ang kanyang pamilya ang nararapat na makakuha ng buong pansin niya.

“Magbabakasyon muna ako kasama ng aking pamilya. I think they deserve my undivided attention at this point in time… konting ‘me time’ konting emotional and mental break from all the politics and the nasty backstabbing na nangyayari dito sa pulitika natin sa pilipinas,” saad ni Zubiri.

Sa kabila ng lahat ng nangyari sa Senado, masaya at kalmado na si Zubiri. “Mas relax ako ngayon, parang nabunutan ng tinik,” dagdag pa niya.

Pagkatapos ng kanilang bakasyon, muling magtitipon ang “Solid 7” team ni Zubiri para pag-usapan ang kanilang susunod na hakbang sa ilalim ng bagong liderato ng Senado.