Zubiri tulala sa panghuhudas ni Bato

“Kung kahapon ako’y heartbroken, ngayon ako’y dumbfounded. Hindi ko ma-gets, ma-grasp ‘yung pangyayaring ‘yun.”

“Kung kahapon ako’y heartbroken, ngayon ako’y dumbfounded. Hindi ko ma-gets, ma-grasp ‘yung pangyayaring ‘yun.”

Ito ang sinabi ni Senator Juan Miguel Zubiri matapos matulala sa “last minute” na pagbaligtad ni Senator Bato Dela Rosa upang sibakin siya bilang pinuno ng Senado.

Ayon kay Zubiri, tunay siyang nagulat sa ginawa ng kaibigan at tinawag ang pangyayari bilang “strangest thing” na nakita at naranasan niya sa kanyang mahabang career bilang politiko.

Aniya, ang pagtanggol niya sa ‘PDEA leaks’ hearing ni Bato ang isa sa mga dahilan kung bakit nawala sa kanya ang presidency ng mataas na kapulungan.

“At least alam niya na dinepensahan ko siya bilang isang chairman ng committee, at dahil d’yan nagkaroon po ng sakripisyo. Ako po ay sakripisyo d’yan. Nawala po ako sa position,” sabi ni Zubiri.

Inamin ni Senator Bato dela Rosa nitong Martes na isa siya sa mga bumoto sang-ayon upang pababain sa pwesto ni Zubiri na siya namang pinalitan ni Senator Chiz Escudero.