Zubiri tiwalang matatapos ng Senado 20 batas bago mag-Hulyo

Kumpiyansa si Senate President Juan Miguel Zubiri na maipapasa ng Senado ang 20 panukalang batas na prayoridad ng administrasyon sa ilalim ng Common Legislative Agenda of the Legislative Executive Development Advisory Council (CLA-Ledac) bago magtapos ang sesyon sa Hunyo.

“We are right on track when it comes to the approval of priority measures of the President (Ferdinand Marcos Jr.) both in the Ledac and in his Sona (State of the Nation Address),” pahayag ni Zubiri ngayong Linggo.

“We are confident that the Senate can pass 20 of these measures before the 2nd Regular Session ends, and the rest of our commitment before this year ends,” wika pa niya.

Tiniyak naman ni Zubiri na sa kabila ng kanilang target na petsa ay hindi nila minadali ang pagpasa ng mga batas.

“Rest assured, all of the measures that passed Senate scrutiny have been carefully considered and thoroughly deliberated upon so that the resulting law is as near-perfect as humanly possible,” dagdag pa ng senador.

Sa 20 panukalang batas, apat ang malapit nang maging ganap na bataas. Ang iba naman ay naghihintay na lang ng pag-apruba ng komite, habang ang iba ay nasa ikalawa at ikatlong pagbasa na.