Zubiri tinabla! Joel Villanueva nawirdohan kay Bato dela Rosa

Nagulat si Senador Joel Villanueva na isa pala si Senador Ronald 'Bato' dela Rosa sa pumirma para mapalitan si Senador Miguel Zubiri bilang Senate President.

Nagulat si Senador Joel Villanueva na isa pala si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa pumirma para mapalitan si Senador Miguel Zubiri bilang Senate President.

Ayon kay Villanueva, buong akala nila ay kaisa nila si Dela Rosa hanggang kinagabihan ay nalaman nilang pumirma pala ito sa isang resolusyon para tanggalin sa pwesto si Zubiri.

“I think that’s the greatest surprise of all probably in the entire history of leadership change,” ayon kay Villanueva.

“It is what it is. We respect every one’s judgment, opinion, decision, (but) it’s kinda weird,” aniya pa.

Matatandaang umiyak pa si Dela Rosa nang kilalanin siya ni Zubiri sa talumpati nito bago mag-resign bilang Senate President.

Hindi na rin kasama si Dela Rosa sa naging dinner ng grupo ni Zubiri matapos siyang magbitiw sa pwesto bilang lider ng Senado.