Zubiri sa mga kontra sa wage hike: Bawasan ang kasakiman!

Pinayuhan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga kontra sa P100 na taas-sahod na bawasan ang kanilang kasakiman.

Pinayuhan ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga kontra sa P100 na taas-sahod na bawasan ang kanilang kasakiman.

Ito ay matapos umakyat sa second reading sa Senado ang Senate Bill No. 2534, na naglalayong taasan ng P100 ang arawang sahod ng mga minimum wage earners.

Ayon sa senador, sapat ang kakayanan ng mga malalaking korporasyon at ng mga micro, small and medium-sized enterprises (MSMEs) na ipatupad ang dagdag-sahod sakaling maging batas ito.

“It’s not a question if they would still make money, but it’s how much money they will make. So we also have to ‘moderate the greed’ when it comes to large corporations,” wika ni Zubiri, na siyang may-akda ng naturang panukala.

“Maybe the company owners should not buy a very expensive car for that year and just share [the money] with their employees,” dagdag pa ng senador.

Paliwanag ni Zubiri, bumaba ang pinapataw na buwis sa malalaking kompanya at MSMEs buhat nang maipasa ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (Create) noong 2021.

Sa tulong ng Create, mula 33% ay 20% na lamang ang buwis ng mga MSMEs, habang mula 33% ay bumaba sa 25% ang buwis ng malalaking korporasyon.

“Clearly, the business sector has enough buffer to absorb the cost of the wage hike,” dagdag pa ni Zubiri.