Zubiri magsasampa kaso vs. nagpapakalat ‘black propaganda’ sa kanya

Nakatakdang maghain ng kasong cyber libel si Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri sa mga nasa likod ng ng 'di umano'y nagpapakalat ng mga walang basehang paratang laban sa kanya upang siraan ang kanyang pamumuno.

Nakatakdang maghain ng kasong cyber libel si Sen. Juan Miguel “Migz” Zubiri sa mga nasa likod ng ng ‘di umano’y nagpapakalat ng mga walang basehang paratang laban sa kanya upang siraan ang kanyang pamumuno.

Iginiit ni Zubiri na isinakto sa kayang pagkakatanggal bilang lider ng Senado ang mga kumakalat na mapanirang video ukol sa kanya.

Kamakailan kasi ay lumabas ang balita na nag-aakusa sa senador ng pagmamay-ari ng isang bahay sa Forbes Park, pati na rin ng mga pribadong eroplano, jet, at helicopter.

Base sa akusasyon, galing sa korapsyon ang mga ipinambili ng Senador sa kanyang mga ari-arian.

Nabanggit din sa video na si Zubiri ay nagtatayo ng isang resort sa Camiguin, na inamin naman ng senador.

“It’s an obvious attempt to discredit my leadership and taint my name. And they’re funneling huge amounts of money into this campaign – from production to promotion,” pahayag nito.

Kaya naman paalala niya sa mga nagsimula ng pagpapakalat: “So to whoever’s spreading these lies to make it look like I’m pocketing government money to buy mansions and jets, these are totally false. I hope they’re ready because I will be filing cases and will not stop until justice prevails.”