Zeinab, teary-eyed sa proposal ni Ray Park

Nag-say "yes" na ang content creator na si Zeinab Harake sa marriage proposal ng kanyang basketball player na si Ray Park.

Nag-say “yes” na ang content creator na si Zeinab Harake sa marriage proposal ng kanyang basketball player na si Ray Park.

Sa kanyang Instagram account, ibinabahagi ng content creator ang romantic at mala—fairytale na set-up na proposal ng kanyang boyfriend na may caption na na “YES”.

Makikita din sa post ni Zeinab, na mala-fairy tale ang set-up ng proposal dahil napuno ito ng bulaklak, fairy lights, at may life-size letters din na may salitang “WILL YOU MARRY ME?”.

Kasama rin nila ang mga anak ni Zeinab na sina Lucas at Bea.

Bago ang proposal, humingi na raw ng basbas si Ray sa magulang at mga kapatid ni Zeinab.

Nag komento naman ang ilan sa mga malalapit na kaibigan ni Zeinab, tulad ni Jelai.

“Thank you Daddy Ray sa pagpapasaya at pag alaga kay Z and to u Zizi omg sis magkakatotoo na yung sabi ko sayo noon na kung sakali ikakasal kayo magging korean ka e 😂 Omg Zeinab Parks ❤ Love u both! ❤🎉 Sobrang happy ko sainyong dalawa! Congrats!”

“Matutupad na pangarap mo ma @zeinab_harake na magkaroon ng buo at sariling pamilya 🖤🖤🖤 Thankyou daddy @ray1parks dahil tinupad mo ang dreams ni zebby at ng mga bata 🖤🖤🖤 THE BEST KA!!!!”