Zanjoe Marudo, Ria Atayde ikinasal na

Nagpakasal na ang celebrity couple na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde!

Nagpakasal na ang celebrity couple na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde!

Sa Instagram post ni Zanjoe, binahagi niya ang ilang larawan sa kasal nila ni Ria.

Kung pagbabasehan ang post ng aktor, mukhang isinabay ang wedding nila sa kaarawan ni Ria.

“03.23.24 Happy Birthday MY WIFE,” wika ni Zanjoe.


Matatandaan na noong January 2023 nakumpirma ang relasyon nina Zanjoe at Ria.

Inanunsyo naman ng showbiz couple ang kanilang engagement noong February 2024.