Zanjoe Marudo ‘happy daddy’ sa anak kay Ria Atayde

Mababakas ang labis na tuwa ng mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa kanilang paparating na anak.

Mababakas ang labis na tuwa ng mag-asawang Zanjoe Marudo at Ria Atayde sa kanilang paparating na anak.

Sa Instagram, ibinahagi ni Sylvia Sanchez ang larawan ng anak at ng manugang na todo ngiti dahil sa lumalaking sinapupunan ni Ria.

“Ang ganda ni buntis @ria ko at ang happy happy ni daddy @onlyzanjoemarudo,” caption ni Sylvia.

Aniya pa, magkakaroon na siya ng apo na tatawagin niyang “little boss.”

“My little boss na ako. Happy morning,” dagdag pa ng batikang aktres.

Samantala, sa IG post naman ni Zanjoe ay tila hindi na ito makapaghintay na malaman kung babae ba o lalaki ang magiging anak.

“Boy or Girl?” caption ng aktor.

TIGNAN: