Zaldy Co: Malakas na tourism industry, magpaparami ng trabaho

Kaisa si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa pagpapalakas ng turismo sa bansa.

Kaisa si Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa pagpapalakas ng turismo sa bansa.

At isa sa sinuportahan ni Co ay ang unang Bicol Loco Festival na nagsimula na ngayong araw, May 3 hanggang May 5.

Ayon kay Co, layunin ng pista na maibida ang ganda ng Mayon Volcano at iba pang likas na yaman ng Bicol.

Ito’y para maengganyo ang karamihan na dumayo sa probinsya bilang turista.

Paliwanag ni Co, ang tourism industry ay may magandang dulot sa ekonomiya ng bansa.

“Tulad ng hangarin nina President Ferdinand Marcos Jr. at Speaker Martin Romualdez na paunlarin ang buhay ng bawat PIlipino, naniniwala Ako na sa pamamagitan ng pagpapalakas ng industriya ng turismo, maraming trabaho ang malilikha para sa ating mga kababayan,” saad ni Co.

“Sa ganitong paraan, hindi lamang natin binibigyang-diin ang kagandahan ng ating rehiyon kundi pati na rin ang pag-angat ng kabuhayan ng bawat Bicolano,” aniya pa.

Nangako si Co na ang taunang pagdiriwang ng Bicol Loco Festival ay simula ng masiglang turismo sa Region V.