Zaldy Co: Charter change walang balak alisin Senado

Nilinaw ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co na walang planong alisin ang mga senador sa isinusulong na pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.

Nilinaw ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co na walang planong alisin ang mga senador sa isinusulong na pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.

Sa panayam sa ‘Politiskoop’, giniit ni Co ang kahalagahan ng pagbabago sa Konstitusyon dahil na nahuhuli na ang Pilipinas pagdating sa ekonomiya.

Aniya, ang bansa lang ang may Konstitusyon na hindi nagalaw sa loob ng 37 taon habang ang mga bansa tulad ng Singapore at Hong Kong ay dumaan na sa maraming pagbabago para sa pag-unlad.

“Lahat po ‘yan umaasenso dahil kahit sa anuman pong negosyo o malalaking kompanya kailangan po tayong mag-innovate para ma-reach ho natin ‘yung dapat na GDP,’ wika niya.

Binigyang-diin niya na hindi dapat mabahala ang mga senador dahil hindi ito parte ng sinusulong na Charter change.

“Wala hong plano ang Kongreso na alisin ang ating mga senador… ang ano lang po talaga is para po sa ating bayan na umasenso and kailangan naman po talaga,” sambit ni Co.

“Dati tayong number 2 sa Southeast Asia, ngayon po nasa dulo na tayo. Tinalo na tayo ng Vietnam, Myanmar, Cambodia. So medyo napakasama ho ng state of our economy,” aniya pa.