Zaldy Co binuksan 1st Bicol Loco Festival!

Matagumpay ang pagsisimula ng kauna-unahang Bicol Loco Festival sa Old Legazpi Airport sa Albay nitong Biyernes, May 3.

Matagumpay ang pagsisimula ng kauna-unahang Bicol Loco Festival sa Old Legazpi Airport sa Albay nitong Biyernes, May 3.

Present sa pagbubukas ng event si Ako Bicol party-list Rep. Elizaldy Co, ang pangunahing nag-organisa ng Bicol Loco Festival.

Sa naturang kapistahan, masasaksihan ng mga Bicolano at turista ang naggagandahang hot air balloons, skydiving exhibitions, drone racing at drone light show.

Nandiyan din ang performances mula sa mga pinakasikat na OPM singers sa bansa tulad nina Sarah Geronimo, Bamboo, Ely Buendia, at Jericho Rosales.

“Layunin ng festival na ito na hindi lamang magbigay ng kasiyahan, kundi ipakilalang muli ang ganda ng Bulkang Mayon at iba pang likas na yaman ng Bicol sa buong mundo upang maengganyong bumisita ang mga local at mga foreign tourist,” saad ni Co.

Tatakbo ang pista hanggang sa Linggo, May 5.