Zaldy Co: Bicol Loco Festival pinalakas turismo, binigyan pang trabaho mga Bicolano

Malaki ang naging ambag ng Bicol Loco Festival hindi lang sa local tourism, kundi pati sa ekonomiya ng Region V.

Malaki ang naging ambag ng Bicol Loco Festival hindi lang sa local tourism, kundi pati sa ekonomiya ng Region V.

‘Yan ang pinunto ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co matapos nitong makipag-meeting sa mga officers ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Bicol.

“Investing in programs that engage and attract people doesn’t just boost tourism; it creates local jobs and showcases the beauty of Bicol & our people,” wika ni Co.

“The Bicol Loco Hot-air Balloon and Music Festival is proof of that!” aniya pa.

Napuno ng kasiyahan ang Albay sa first Bicol Loco Festival kung saan binida ang ganda ng Mayon Volcano, pati ang mga naggagandahang hot air balloon.

Bukod pa diyan, nagkaroon din ng performance ang ilang OPM legend tulad nina Sarah Geronimo, Bamboo, Apl De Ap, Ely Buendia at Jericho Rosales.

Dagdag pa ni Co, sa 2025 ay idadagdag nila sa selebrasyon ang mga gawang abaca product ng mga lokal na manghahabi sa Bicol.