Zaldy Co: Bicol Hot Air Balloon Festival daan sa mas maraming trabaho!

Tiniyak ni Ako Bicol Party-List Rep. Elizaldy Co na hindi lamang mga naggagandahang hot air balloon at mga sikat na artista ang bibida sa paparating na Bicol Loco Hot Air Balloon Festival.

Tiniyak ni Ako Bicol Party-List Rep. Elizaldy Co na hindi lamang mga naggagandahang hot air balloon at mga sikat na artista ang bibida sa paparating na Bicol Loco Hot Air Balloon Festival.

Ayon kay Co, ang aktibidad ay isang malaking hakbang upang magbukas ang mas maraming trabaho para sa mga Bikolano.

“The Bicol Loco Festival is not just a celebration of our rich culture and the breathtaking sights of our region, like the Mayon Volcano. It’s also a pivotal platform for job creation, aimed at bolstering our local economy through tourism,” saad ng mambabatas.

Kumpiyansa rin si Co na sulit ang oras ng mga manonood sa festival, na gaganapin mula Mayo 3 hanggang 5 sa Old Legazpi Airport.

“Get ready for an extraordinary adventure as we fill the skies with colorful hot air balloons, exhilarating shows, and unforgettable moments,” aniya.

Libre ang admission para sa festival, kung saan masasaksihan din ang pagtatanghal nina Sara Geronimo, Bamboo, at Ely Buendia.