You can do it! Chiz suportado si Heart sa bagong Senate role

Buong nakasuporta si Senate President Francis "Chiz" Escudero sa may bahay nitong si Heart Evangelista sa bagong tungkulin nito sa Kongreso.

Buong nakasuporta si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa may bahay nitong si Heart Evangelista sa bagong tungkulin nito sa Kongreso.

Sinabi ni Chiz na pinapatunayan lang ni Heart na may ‘puso’ ang Senado para sa mga mamamayang Pilipino, mas lalo na sa mga nangangailangan.

Si Heart kasi ay nanumpa na bilang pangulo ng Senate Spouses Foundation Inc. na may layuning magbigay programa para sa mga nakakatanda, taong nangangailangan ng tulong medikal at feeding program at gift giving para sa marginalized communities.

“Wag kang kabahan, darling. Kayang kaya mo yan,” pagbibigay suporta ni Chiz kay Heart.

“Noong nangangampanya ako noon, sabi ko dun sa mga hindi naniniwalang may puso ako, may pruweba ako, pinapakita ko yung wedding picture namin,” saad ni Chiz.

Dagdag niya, huwag daw papalamon sa pressure si Heart at magtiwala lang sa sariling kakayahan.

“Wala siyang ibang barometrong susundan kung hindi yung sarili niyang kakayahan at hindi dapat nagpapa-pressure sa anumang pagkukumpara kanino man nagdaan man o hinaharap,” aniya.