Yexel Sebastian dinikdik sa P50 bilyon na investment scam

Umabot sa 30 katao ang nagreklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng diumano'y investment scam ng vlogger na si Yexel Sebastian.

Umabot sa 30 katao ang nagreklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng diumano’y investment scam ng vlogger na si Yexel Sebastian.

Isa umano sa mga biktima ay nawalan ng P700,000 dahil sa scam ni Sebastian. Pinangakuan raw siya ng vlogger na kikita ng P35,000 kada buwan.

Ang mga nabiktima umano ng vlogger ay pawang mga OFW, empleyado, politiko, artista at negosyante.

Ayon kay NBI Fraud and Financial Crimes Division Chief Atty. Palmer Mallari, sa kabuuan ay pumalo sa P50 bilyon ang nawalang halaga mula sa mga biktima.

“We are being sustained by the revised securities and regulation code [that] any evidence of indebtedness is also a form of security,” saad ni Mallari.

“We will be utilizing that process of the law… We will also be filing a potential case of violation of the anti-money laundering case,” dagdag pa niya.

Bukod pa rito, nahaharap din si Sebastian sa kasoang paglabag sa securities and regulation code.