Yassi Pressman namangha sa Ironman event sa CamSur

Todo-suporta ang aktres na si Yassi Pressman sa idinaos na Ironman Triathlon event sa Camarines Sur kamakailan.

Todo-suporta ang aktres na si Yassi Pressman sa idinaos na Ironman Triathlon event sa Camarines Sur kamakailan.

Ibinida ni Pressman sa kanyang Instagram post nitong Miyerkoles ang ilang larawang kuha niya sa naturang event.

“Came to support the homecoming of @ironmantri in CamSur the first place in Asia to hold IronMan!” saad ng aktres sa caption. “It was so inspiring to see so many athletes give their all, siguradong naging inspirasyon din po kayo sa marami! galing! congratulations!”

Mahigit 250 triathletes mula sa 11 bansa ang lumahok sa naturang patimpalak. Tampok sa karera ang 1.5 kilometro na paglangoy, 40 kilometro na pagbibisikleta, at 10 kilometro na pagtakbo.

Binati rin ni Pressman ang kanyang karelasyon at Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte sa tagumpay ng Ironman event.

“Congrats bub @vincenzo.luigi & the whole CamSur and IronMan team!” dagdag pa niya.