Yassi binilad kurbada sa CamSur

Muling ibinida ni Yassi Pressman ang kanyang kurbada, gayon din ang ganda ng Camarines Sur sa kanyang IG post ngayong Lunes.

Muling ibinida ni Yassi Pressman ang kanyang kurbada, gayon din ang ganda ng Camarines Sur sa kanyang IG post ngayong Lunes.

Sa kanyang post, ibinalandra ni Yassi ang kanyang kaseksihan habang ine-enjoy ang ganda ng Hunongan Cove.

Ang Hunongan Cove ay isang tourist attraction sa bayan ng Caramoan.

“If you quiet the mind, you’ll understand so much more. Some days, it truly is great to slow down,” saad ng aktres sa caption.

Inanyayahan din niya ang kanyang mga follower na bisitahin ang Camarines Sur.

Si Yassi ay tikom pa rin sa tunay na ugnayan niya kay Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte. Gayunman, lantad na ang kanilang mga sweet moment sa social media.