Yassi at Gov. Luigi Villafuerte, naghalikan on stage; netizens nawindang!

Tumaas ang kilay ng mga netizen sa kissing scene nina Yassi Pressman at Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte sa isang event.

Tumaas ang kilay ng mga netizen sa kissing scene nina Yassi Pressman at Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte sa isang event.

Nangyari ito sa kick-off event ng Kaogma Festival, Huwebes, Mayo 23, kung saan isang pagtatanghal, nag-duet sina Gov. Luigi at Yassi ng kantang “Hero” ni Enrique Iglesias.

Pagkatapos ng kanilang performance, iniharap ni Gov. Luigi si Yassi sa kanyang mga kababayan bilang isa sa mga pinaka-mahalagang tao sa kanyang buhay.

“Siyempre mga taga-Camarines Sur, I want to thank the most special person in the life of your governor. Mahal, Yassi, thank you for all what you’ve done to me. Thank you for helping making this possible. I want to say in front of the a hundred thousand Camarinenses now, I love you, Yassi,” pahayag ni Luigi

Marami ang nagulat at natuwa sa pambihirang pagpapakita ng pagmamahalan ng dalawa sa publiko. Agad itong nag-viral sa social media at maraming netizens ang hindi makapaniwala sa naganap na eksena.

Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na ipinakita ng dalawa ang kanilang sweetness sa publiko. Noong Pebrero, ipinasilip ni Yassi ang kanilang lambingan sa pamamagitan ng Instagram story.

TIGNAN: