Yari! Reklamo kay Alvarez, umabante sa House Ethics panel

Hawak na ng House Committee on Ethics and Privileges ang reklamong sinapa laban kay Davao del Norte Rep. Pantelon Alvarez.

Hawak na ng House Committee on Ethics and Privileges ang reklamong sinapa laban kay Davao del Norte Rep. Pantelon Alvarez.

Ito’y nag-ugat sa hindi pagdalo ni Alvarez sa mga committee hearing at plenary session ng Kamara.

Kasama na rin dito ang umano’y mapanirang puri na mga pahayag nito laban sa Vice Governor ng Davao del Norte at ilan pang opisyal ng naturang lugar.

“Basically, the Committee on Ethics and Privileges has already acquired jurisdiction over the case considering that the committee was able to determine the sufficiency of its form and content of the sworn complaint affidavit filed by mayor Rey T. Uy of Tagum City,” ayon kay Ako Bicol Rep. Jil Bongalon, na tumatayo rin bilang vice chairperson ng Ethics commitee.

“The complaint alleges circumstances that constitute disorderly behavior and violation of Code of Conduct of the House of Representatives, also violation of different laws like the Revised Penal Code,” aniya pa.

Isa pa sa pinunto ni Bongalon kung bakit kinuha ng Ethics panel ng Kamara ang reklamo laban kay Alvarez ay dahil sa paghimok nito sa mga pulis at sundalo na bawiin ang kanilang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

“And no. 3, which is the very strong allegation is the seditious remarks made by Congressman Alvarez during the rally that transpired this month of April,” saad pa ni Bongalon.

Ayon kay Bongalon, magpapadala sila ng notice sa opisina ni Alvarez para ipabatid ang kanilang sisimulang imbestigasyon para sa naturang kongresista.