‘Yan ang resulta! Halos 7.4 toneladang droga, nasabat ng awtoridad simula 2022—solon

Masasabing matagumpay ang drug war ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. dahil simula nang maupo ito sa pwesto ay halos 7.4 toneladang iligal na droga na ang nasabat ng mga awtoridad, ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.

Ibinida ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang halos 7.4 toneladang iligal na droga na aniya’y nasabat ng mga awtoridad simula nang maupo sa pwesto si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

“On behalf of all the members of the House Committee on Dangerous Drugs, I would like to extend my heartfelt felicitations to our law enforcement agencies, the PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency), NBI (National Bureau of Investigation), PDEG (Philippine Drug Enforcement Agency), and the Bureau of Customs (BOC), for a very, very fruitful campaign against illegal drugs under the administration of President BBM (Bongbong Marcos),” pahayag ni Barbers sa kanyang opening statement sa isang public hearing ng kaniyang komite.

“From July 1, 2022, the first day in office of our President, until today we have a total drug haul of almost 4.4 tons of shabu, and almost 3 tons of dried marijuana leaves, aside from other drugs that have been seized,” dagdag pa niya.

Kasama na diyan aniya ang 560 kilos ng shabu sa nasakote ng NBI at PDEA sa isang warehouse sa Mexico, Pampanga.