Yakang-yaka pa ‘yan: Romualdez, tiwalang makakamit ng bansa ang 6% na paglago ng ekonomiya

Ang paglago ng ekonomiya ng bansa sa third quarter ng 2023 ay pinakamataas sa mga tinatawag na emerging economies in Asia—mas mataas sa Vietnam (5.3%), China at Indonesia (4.9%), at Malaysia (3.3%).

Kumpiyansa ni House Speaker Martin Romualdez na makakamit ng bansa ang minimum economic growth target nitong 6%.

Iyan ang sinabi ng Speaker matapos ang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lumago ng 5.9% ang ekonomiya ng bansa nitong ikatlong yugto ng 2023. Mas mataas ito sa unang dalawang yugto na 5.5%.

Ayon naman kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, ang paglagong ito ay pinakamataas sa mga tinatawag na emerging economies in Asia, kagaya ng sa Vietnam (5.3%), China at Indonesia (4.9%), at Malaysia (3.3%).

Paliwanag ni Romualdez, inaasahan niyang mas tataas pa ang economic growth ng bansa dahil sa pagtaas ng consumer spending dahil sa Kapaskuhan at ang mga year-end disbursements at project completion ng mga kawani ng pamahalaan. .

“The government is the principal driver of growth. We expect state offices to ramp up project and program implementation and activities. Funds released to them are meant to be spent, not saved, though expenditures should comply with relevant accounting, auditing, transparency, and accountability regulations,” paliwanag niya.

Dagdag pa niya, makakamit ng bansa ang target nito kung lalago ng 7.2%ang ekonomiya sa huling yugto ng taon.