Yael Yuzon nag-propose, ‘ikakasal’ ulit kay Karylle

Pinakilig ni Yael Yuzon ang kanyang misis na si Karylle para sa nalalapit nilang 10th wedding anniversary.

Pinakilig ni Yael Yuzon ang kanyang misis na si Karylle para sa nalalapit nilang 10th wedding anniversary.

Sa episode ng ‘It’s Showtime’ nitong Lunes, present ang frontman ng Spongecola kasama ang kanyang misis na host sa nasabing noontime show.

Doon natanong si Yael tungkol sa ika-10 taon nila ni Karylle bialng mag-asawa.

“Magti-ten years na kami na kasal. And alam mo, yung thing kasi na alam mo kasal na kayo ng ten years, parang mas naa-analyze mo yung mga things through the ups and downs, mostly ups, pero sa mga downs mas naa-analyze mo yung mga things,” wika ni Yael.

Dito na biglang naglabas ng singsing si Yael at nag-propose kay Karylle.

“Tapos kung sigurado ka back then, mas sigurado ka na now kasi meron na tayong ten years together. Pero meron akong hindi nagawa before. So, I’m gonna do it now,” sambit ng kilalang singer.

“Will you marry me again?” nakakakilig na tanong ni Yael kay Karylle.

Mabilis na ‘yes’ naman ang naging tugon ni Karylle, na kita sa mukha ang kagalakan sa sweet gesture ng kanyang mister.

Paliwanag ni Yael, noong mag-propose daw kasi siya noon kay Karylle ay nasa kotse lang sila.

“Hindi kasi ma-big gesture eh, ever since parang, ‘low profile tayo’,” kwento ni Yael.

March 2014 ikinasal sina Karylle at Yael, kung saan pinili nilang maging private ceremony ang kanilang wedding.