Xian Lim kay Kim Chiu: Pwede mo nang aminin na may bago na ko

Naloka ang talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang natanggap na chika ukol sa nangyari matapos ang naging break up nina Kim Chiu at Xian Lim.

Naloka ang talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang natanggap na chika ukol sa nangyari matapos ang naging break up nina Kim Chiu at Xian Lim.

Sa YouTube vlog na “Showbiz Update,” may nakapag-tsika umano kay Ogie nang naging conversatiion nng dalawa tungkol sa bagong relasyon ni Xian kay Iris Lee.

Kuwento ni Ogie, tinawagan umano ni Xian si Kim upang sabihin na maaari na niyang aminin na may bago ng gf ang kanyang ex-boyfriend.

“Oh ’yun nga, may nakarating sa akin. So hindi na ’to yung latest o ’yung last week lang, hindi. Eto ’yung panahon na lumalabas na si Iris Lee sa socmed saka si Xian Lim, na parang sa mga pictures pa lang nila together, eh, kahit hindi sila umamin, parang talagang sila na, si Iris Lee at si Xian Lim,” tsika ni Ogie.

“Eto ’yung panahon na lumalabas na si Iris Lee sa socmed saka si Xian Lim, na parang sa mga pictures pa lang nila together, eh, kahit hindi sila umamin, parang talagang sila na, si Iris Lee at si Xian Lim. Eto na nga. Since parang nag-ano naman din, parang nagkaroon naman ng formal break-up itong si Kim Chiu at si Xian Lim, eto na. Nakarating lang naman sa akin ’to, ha? Pwede naman nila itong i-deny. Malaya silang i-deny ’to kung hindi talaga ito nangyari.Tumawag daw itong si Xian Lim kay Kim Chiu. Nakarating lang sa akin ’to, ha! Sabi niya, ‘Kim, oh, pwede mo nang aminin ha, na meron na akong girlfriend’,” dagdag pa nito.

Dahil dito ay naloka umano si Kim: “’Di ba? Kaya sari-sari tuloy ’yung mga ano nila, ’yung opinyon nila tungkol du’n sa nangyari. At kung totoo man ’yon, ’di ba, ang mga opinyon nila, ‘Ha? Talagang si Kim Chiu ang pinag-a-announce mo na may bago ka nang girlfriend, Xian Lim?”

PANOORIN: