Xian Lim kapag nakasalubong ang ex: Sana makita mo ang kasiyahan mo

Hindi nagdalawang-isip si Xian Lim na sagutin ang tanong sa kung anong nais nitong sabihin kapag nakita niya ang kanya ex-girlfriend.

Hindi nagdalawang-isip si Xian Lim na sagutin ang tanong sa kung anong nais nitong sabihin kapag nakita niya ang kanya ex-girlfriend.

Sa Family Feud, tinanong ng host na si Dingdong Dantes ang tanong na: “Kung makakasalubong mo ang ex mo, ano ang itatanong mo?”

Nagprisinta naman agad ang aktor na sagutin ang tanong. Aniya, nais niya rin kasing ipaalam ang point of view ng isang lalaki.

“‘Pag nakasalubong mo ang ex mo, you should say na… ‘I hope you do find the happiness that it is you’re looking for.’” sey ni Xian.

“Ganon lang dapat masaya, ‘di ba? Dapat masaya kayo para sa isa’t isa. ‘Yon siya, ‘di ba?” dagdag pa nito.

Noong Disyembre 2023, kinumpirma ni Kim Chiu na hiwalay na sila ni Xian.