Xian Lim, inulan ng death threats matapos hiwalayan kay Kim Chiu?

Ibinahagi ni Xian Lim ang malaking epekto ng paghihiwalay nila ng sikat na at aktres at Chinita Princess na si Kim Chui nang ihayag nyang nakakatangap na raw siya umano ng sandamakmak na death threats.

Ibinahagi ni Xian Lim ang malaking epekto ng paghihiwalay nila ng sikat na at aktres at Chinita Princess na si Kim Chui nang ihayag nyang nakakatangap na raw siya umano ng sandamakmak na death threats.

“It’s gotten out of hand na and that’s just the painful part of it,” he said. “Sasabihin nila na nag-iingay si Xian because may pelikula, no.” wika ni Xian.

“I do not deserve the false accusations, the lies being spread,” dagdag niya.

Pinabulaanan naman ni Xian na siya at ang kanyang kasintahang si Iris Lee ay hindi pa kasal at wala pang live-in setup, bagamat binigyang klaro nya naman na naging magkasintahan sila matapos ang kanyang breakup kay Kim.

Ayon kay Xian, nang magsimula ang mga balita at tsismis tungkol sa kanilang paghihiwalay noong nakaraang taon, siya mismo ang unang naglabas ng pahayag upang itama ang mga kumakalat na impormasyon.

Inamin ni Xian na kaya niya namang harapin ang mga mapanirang salita, ngunit nakakabahala na umano na pati ang kanyang nanay at lola ay nadadamay na.

“I’m getting death threats, my mom is getting death threats that’s the gravity of situation I’m dealing with na, my family does not deserve that.” diin niya.

Ayon kay Xian, nauunawaan naman raw niya na ang mga tagahanga nila ni Kim Chiu ay nasaktan din sa balita ng kanilang paghihiwalay matapos ang halos 12 taong pagsasama. Bagama’t nasaktan man sila, ipinahayag ni Xian na sila ni Kim ang unang nakararanas ng sakit sa kanilang paghihiwalay.