Xian Gaza binanatan nakiki-trend sa money garland: Jejemon!

Tinawag na jejemon ni Xian Gaza ang mga magulang na nagsasabit ng money garland sa kanilang mga anak ngayong graduation season.

Tinawag na jejemon ni Xian Gaza ang mga magulang na nagsasabit ng money garland sa kanilang mga anak ngayong graduation season.

Sabi ni Gaza sa kanyang Facebook post, kabaduyan ang pagsasabit ng money garland sa mga magsisipagtapos na mag-aaral dahil ang gumagawa lang daw nito ay mga taong nagpapanggap na mayaman.

“Ang mga magulang na nagsasabit ng money garland sa kaniyang anak on Graduation Day ay isang jejemon. Ang gagawa lang niyan ay mga squammy na nagpapanggap na mayaman,” sabi ni Gaza.

Patutsada niya pa: “Ang anak ay bobo kaya walang ibang medalya. Dinaan na lang sa pera.”

Dagdag niya, hindi raw gawain ng mayayaman ang magsabit ng pera sa leeg ng kanilang mga anak. Banat niya rin sa mga estudyante na huwag matuwa kung gagawin sa kanila ang pagsabit ng money garland.

Matatandaang nanawagan ang ilang mga guro at ang Department of Education (DepEd) na gawing simple ang graduation ceremony ng mga batang magsisipagtapos.