WPS issue, UNCLOS ruling, gusto isama sa DepEd curriculum

Inirekomenda ni Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-List Rep. Margarita Nograles na isama sa Department of Education (DepEd) curriculum ang tungkol sa pag-aangkin sa West Philippine Sea at sa desisyon ng UNCLOS.

Sinabi ni Nograles na magiging malaking tulong ito sa mga estudyante upang mas maunawaan ang tungkol sa kinakaharap ng WPS.

Bukod pa riyan, dapat din umanong matutunan ng mga estudyante ang tungkol sa desisyong UNCLOS 2016, na nagpapatibay sa karapatan ng bansa.

“Educating our youth about the significant issues surrounding our territorial claims in the West Philippine Sea is crucial for fostering a well-informed citizenry and cultivating a sense of national pride and responsibility,” ani Nograles.

“Our young Filipinos should be aware of the legal and historical context of our territorial claims to better appreciate the efforts of our government and diplomats in defending our sovereignty,” dagdag pa nito.