‘Wowowin’ sa TV5, pantapat sa ‘It’s Showtime’ sa GMA?

Palalakasin ng TV5 ang kanilang rating sa pamamagitan ng pagbabalik ng TV host na si Willie Revillame.

Palalakasin ng TV5 ang kanilang rating sa pamamagitan ng pagbabalik ng TV host na si Willie Revillame.

Nitong Biyernes kasi ay namataan si Willie na nakikipagpulong sa mga big boss ng Kapatid Network.

Kasama ni Willie si Atty. Enrique “Buko” Dela Cruz ng Divina Law na nag-representa kina Tito, Vic, at Joey sa kanilang kaso sa korte upang muling makuha ang kanilang pangalan na Eat Bulaga.

Sinabi sa report ng Bilyonaryo na inaasahan na pipirma si Willie ng kontrata sa TV5, kung saan magkakaroon ito ng isang game show tuwing alas-2:30 ng hapon hanggang alas-4:30 ng hapon.

Ayon pa sa source, ito ay strategic move ni Manny V. Pangilinan sa umano’y plano ng GMA Network na gawing pangunahing program ang “It’s Showtime” ng ABS-CBN matapos isara ang “Tahanang Pinakamasaya.”

Matatandaang dating ipinalabas sa naturang network ang It’s Showtime hanggang sa makipag-ugnayan si Pangilinan sa TVJ upang lumipat sa kanyang network.