WOW! P31.98B droga nahuli sa ilalim ng Marcos admin

Aabot sa tumataginting na P31.98 halaga ng iligal na droga na ang nasabat ng otoridad mula nang maupo si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Aabot sa tumataginting na P31.98 halaga ng iligal na droga na ang nasabat ng otoridad mula nang maupo si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Ayon sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), 5,366 high-value targets din ang nahuli mulang Hulyo 1, 2022 hanggang Enero 31, 2024.

Kabilang ang mga ito sa 79,841 drug suspects na naaresto sa 58,496 na anti-illegal drug operations na ginawa ng otoridad sa parehong panahon.

Sa nasamsam na droga, 4,317.46 kg. nito ay shabu, 50.47 kg. ay cocaine, at 3,197.19 kg. ng marijuana. Kasama rito ang 54,013 piraso ng ecstasy tablets.

Samantala, sinabi rin ng PDEA na 28,247 sa 42,000 barangay sa buong bansa ang idineklarang “drug-cleared”.

Kasama rin sa ulat ng PDEA ang pagbaklas sa 856 at isang clandestine shabu laboratory sa parehong panahon.