Wow Mali: Wrong spelling sa LRT1 signage, pinulutan ng netizens!

Viral sa social media ngayon ang isang larawan kung saan mapapansin ang maling spelling sa isang signage sa Light Rail Transit (LRT) Line 1.

Viral sa social media ngayon ang isang larawan kung saan mapapansin ang maling spelling sa isang signage sa Light Rail Transit (LRT) Line 1.

Napansin ni Annie Rose Laborte ang error sa signage para sa National Bureau of Investigation.

Imbes na ‘Investigation’, naging ‘Investagation’ ang nalagay sa naturang signage na makikita sa southbound lane ng UN Avenue station.


Maraming netizen tuloy ang napa-comment kung saan may ibang natawa, habang ang iba ay nadismaya dahil sa nakalusot na error sa LRT-1.

Heto ang ilan sa kanilang komento:

“Hayaan nyo po mabilis nman sila kumilos pag may mali. bukas po INVESTAGITION na yan for sure.”

“Bute di naging tough avenue. Pero uy ah, tama spelling ng bureau. Galing!”

“Dapat maimbestigahan ng NBI kung kaninong pagkakamali ito. (laughing face emoji)”

“Dapat NBI na lang. kaso baka maging NBA.”

Samantala, tinakpan na ng mga tauhan ng LRT-1 ang naturang signage, na inaasahang papalitan din para maitama na ang spelling nito.