Wow, high-tech! BI, dadagdagan pa ang electronic gates sa mga airport para sa mas mabilis na processing ng biyahero

Tinitingnan ng Bureau of Immigration (BI) na palitan ng electronic gates ang kalahati ng manual counters nito sa mga airport, na magpapabilis pa ng pagproseso sa mga babiyahe paalos ng bansa.

Tinitingnan ng Bureau of Immigration (BI) na palitan ng electronic gates ang kalahati ng manual counters nito sa mga airport, na magpapabilis pa ng pagproseso sa mga babiyahe paalos ng bansa.

Ayon sa BI, kayang paikliin ng electronic gates ang processing time ng bawat biyahero sa 8 segundo kada isa, mula sa 45-seconds na minimum processing time na kasalukuyang nangyayari.

“Electronic gates are now the standard in most countries. We want things faster and more efficient, to better improve the experience of our travelers,” paliwanag ni Immigration Commissioner Norman Tansingco sa isang pahayag noong Lunes, Setyembre 4.

Ani Tansingco, kasama sa aprubadong information systems strategic plan for 2024-2026 ng ahensya ang pagbili ng electronic gates.

Sa ngayon, may 21 electronic gates ang BI na nakatalaga sa mga malalaking international airport sa buong bansa. Karamihan nito ay matatagpuan sa Ninoy Aquino International Airport.

Ayon sa BI, umaasa itong makakabili ng karagdagang electronic gates sa susunod na taon, at makakapagkabit ng 43 pang electronic gate hanggang 2026. Tinatayang about sa P1.9 bilyon ang halaga ng buong proyekto, ayon kay Tansingco.