World-class ika nga: Pilipinas, kahanay ng Japan, South Korea, at Malaysia sa top destinations sa remote work

Nasungkit nga Manila ang ikapitong pwesto bilang pinaka-popular na destinasyon para sa mga digital nomads, ayon sa datos ng isang sikat na travel platform.

Ikapito ang Pilipinas sa “fastest-growing” remote work hub sa mundo, ayon sa listahan ng Nomad List, isang kilalang travel platform sa buong mundo.

Sinabi ni Communications Secretary Cheloy Garafil sa isang pahayag na kasama ang Maynila sa pinakamagandang destinasyon para sa mga remote workers, o iyong mga nagtatrabahao sa iba’t ibang lugar. Tinatawag rin sila na “digital nomad” dahil wala silang permanenteng opisina o lugar na pinagtatrabahuhan. Kadalasang laptop at internet lamang ang gamit nila.

“In the listing, destinations are ranked by growth rates of check-ins made by tens of thousands of Nomad List members using live data analyzing 299,498 check-ins. The primary rank is the most recent growth in check-ins,” paliwanag ni Garafil.

Ayon na rin sa datos, isa ag Pilipinas sa pinaka popular na destinasyon.

“These growth numbers give travelers and workers an idea of the fastest growing remote work hubs and also show the current rank on Nomad List so they can gauge the popularity of the place,” dagdag pa ni Garafil.

Nanguna sa listahan ang Tokyo, Japan, habang pangalawa naman ang Danang, Vietnam. Ikatlo ang Seoul, South Korea, samantalang ikaapat at ikalima naman ang Kuala Lumpur at Penang sa Malaysia.