Wish 107.5 bus, bumisita sa Albay; Bicol PNP, talents, tampok sa road show

Bukod sa pagbibigay ng saya, magandang pagkakataon din ito upang mas mailapit ang hanay ng PNP sa publiko, ayon sa tagapagsalita ng PNP-Bicol.

LEGAZPI CITY, Albay – Ipinamalas ng mga tauhan ng Police Regional Office 5 (PRO5) ang kanilang talento sa pagkanta nang bumusita sa Albay ang Wish 107.5 Bus nitong Disyembre 1.

Ilan sa mga nag-perform ang Police Rapper ng Bicol na si PSSG. Dean Rasco na ibinida ang kaniyang sariling composition sa Wish bus.

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) sa Bicol na si PLtCol. Malu Calubaquib bukod sa pagbibigay ng entertainment, magandang pagkakataon din ito upang mas mailapit ang hanay ng PNP sa publiko.

Samantala, unang pumwesto sa Legazpi Boulevard ang Wish Bus, sinundan sa SM City Legazpi at Camp General Simeon Ola.

Nasa 20 police officers galing sa Police Provincial Offices, City Police Offices, at Regional Head Quarters ang kabilang sa mga nagpamalas ng kanilang singing prowess sa Wish Bus.