Wiretapping ng Chinese Embassy sa Manila imbestigahan! – Tolentino

Hinimok ni Senador Francis Tolentino ang Senate Committee on National Defense na imbestigihana ang ginawang 'di umano'y pag-wiretap ng Chinese Embassy sa Manila.

Hinimok ni Senador Francis Tolentino ang Senate Committee on National Defense na imbestigihana ang ginawang ‘di umano’y pag-wiretap ng Chinese Embassy sa Manila.

Kamakailan kasi ay naiulat ang naturang woretapping incident ng China laban sa Armed Forces of the Philippines – Western Command (AFP-WESCOM).

Sinabi ng China na maglalabas sila ng transcript at audio recording ng pag-uusap sa pagitan ng mga opisyal ng China at isang mataas na opisyal ng AFP kung saan inaprubahan niyo ang “new model” para sa resupply missions sa West Philippine Sea.

Ayon kay Tolentino, malinaw na ang aksyon na ito ay malaking paglabag sa Philippine Anti-Wiretapping Act.

“This act (Anti-Wiretapping Act) deems it illegal for any individual, not authorized by all parties to a private communication or spoken word, to tap any wire or cable or use devices to secretly overhear, intercept, or record such communication or spoken word,” pahayag ng senador.

Kaya naman inihain na ni Tolentino ang apela sa pamamagitan ng Senate Resolution (SR) No. 1023.

Kasama sa layunin ng SR 1023 ang alamin ang lawak ng pakikialam ng China at suriin ang mga kaugnay na batas at protocol upang tugunan ito.

“If the act of wiretapping is proven to be accurate, China should formally apologize to the Philippines for the illegal acts of their officials, waive their diplomatic immunity, and let them face the consequences of their shameless and unbecoming act pursuant to Articles 9 (I)3 and 324 of the Vienna Convention on Diplomatic and Consular Relations,” dagdag pa nito.