Whamos nagnakaw ng video para sa viral na ‘Proud Pinoy’ entry?

Humakot na ng mahigit 15 milyong views sa Facebook ang Proud Pinoy video ng social media influencer na si Whamos Cruz.

Humakot na ng mahigit 15 milyong views sa Facebook ang Proud Pinoy video ng social media influencer na si Whamos Cruz.

Ngunit sa likod ng kanyang makalaglag-pangang video ay naroon pala ang isang isyu.

Ito’y matapos ibuking ng video creator na si JAK Seventy-Three na ilang video niya ang ninakaw ni Whamos para gamitin sa kanyang viral hit.

Sa kanyang post, pinakita ni JAK Seventy-Three kung aling mga video niya ang ginamit ni Whamos nang walang pahintulot.

Samantala, sa comment section ng video ni Whamos ay minention nito si JAK Seventy-Three para bigyan ng credit sa naturang video. Hindi naman umubra sa ilang netizen ang ginawang ito ng influencer.

“Whamoscruz sana wag mo daw po kalimutan yung iphone niya tulad ng paglimot mo sa pag ask ng permission to use his festival clips.”

“Whamoscruz…Ngayon ka nalang nag credits after ka I call out!
Lakas ng tama mo hoy!” saad pa ng isang netizen.

Hindi naman sinabi ni JAK Seventy-Three ang susunod niyang hakbang hinggil sa ginawa ni Whamos.