Welder sa SLEX, binaril ng security guard!

Nasawi ang isang welder ng South Luzon Expressway (SLEX) matapos siyang paputukan ng isang security guard ng isang industrial park.

Nasawi ang isang welder ng South Luzon Expressway (SLEX) matapos siyang paputukan ng isang security guard ng isang industrial park.

Nangyari ang insidente nitong Sabado ng hapon sa gilid ng SLEX sa bandang Brgy. Batino, Calamba, Laguna.

Kinilala ang biktima na si Ronald ViƱas Santillan, welder ng Archen Construction Group na may ginagawa sa SLEX.

Lumabas sa imbestigasyon ng Calamba City Police na dakong ala-1 ng hapon ay nagpapahinga sa damuhan sa gilid ng SLEX ang welder at ilan pang katrabaho nito.

Ang damuhan kung saan tumatambay ang mga manggagawa ay malapit sa perimeter wall ng Calamba Premiere Industrial Park, kung saan nakadestino ang security guard na si alyas ‘Demetrio’.

Nagkaroon ng alitan ang welder at sekyu matapos na subukang paalisin ang mga manggagawa sa perimeter wall ng industrial park.

Umalis pansamantala ang security guard, pagbalik ay may dala na itong baril at pinaputukan ang biktima.

Dead on the spot si Santillan, habang agad namang tumakas ang suspek.

Nagsasagawa na ng hot pursuit operation ang mga awtoridad para madakip ang namaril na security guard, na inaasahang sampahan ng kasong murder.