Wegotchufam! Lider ng mga partido sa Kamara, suportado ang pagsulong ni PBBM ng peace talks sa rebeldeng komunista

Hindi nag-atubiling suportahan ng iba’t ibang kinatawan ng mga partido sa Kamara, na may higit sa 300 miyembro, matapos sumalungat si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa hakbang ng Pangulong Marcos ukol sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines.

Suportado ng mga lider ng mga partido na bumubuo sa Kamara para sa pagsulong sa kapayapaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nang muli nitong imbitahan ang mga komunistang rebelde para wakasan na ang pag-aaklas.

Hindi nag-atubiling suportahan ng iba’t ibang kinatawan ng mga partido sa Kamara, na may higit sa 300 miyembro, matapos sumalungat si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa hakbang ng Pangulong Marcos ukol sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines.

Sa isang pahayag, na ipinalabas ni House secretary general Reginald Velasco, sinabi ng mga mambabatas na makasaysayan ang pasya ng Pangulong Marcos, at handa ang Kamara na magbigay ng suporta para magkaroon ng kapayapaan sa bansa.

“As the united voice of the House of Representatives, representing all political parties, we collectively express our unwavering support for President Ferdinand Marcos Jr.’s initiative for peace and national unity,” sinabi ng mga mambabatas sa joint statement.

“President Marcos’s call for peace transcends political boundaries and speaks to the core of our shared values as Filipinos. It is a call for understanding, cooperation, and collective action towards a future where every citizen can live in harmony and prosperity,” sinabi pa ng mga lider ng partido sa Kamara.

Nilagdaan ng mga lider ng partido ang pahayag bilang simbolo ng pakikiisa kay Pangulong Marcos. Kasama sa mga pumirma sina Senior Deputy Speaker at Pampanga Rep. Dong Gonzales Jr., Majority Leader at Zamboanga City Rep. Mannix Dalipe, at Agusan del Norte Rep. Joboy Aquino II (Lakas-CMD); Rizal Rep. Michael John R. Duavit, Ilocos Sur Rep. Kristine Singson-Meehan, at Quezon Rep. Mark Enverga (Nationalist People’s Coalition);

Las Piñas City Rep. Camille Villar, Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, at Romblon Rep Eleandro Jesus “Budoy” Madrona (Nacionalista Party); Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, Antipolo City Rep. Robbie Puno, at Bataan Rep. Albert Garcia (National Unity Party);

Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, Bicol Saro Party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan, at Barangay Health & Wellness (BHW) Partylist Rep. Angelica Natasha Co para sa Partylist Coalition Foundation Inc. (PCFI), ang samahan ng mga party list sa Kamara; at Rep. Toby Tiangco of the Partido Navoteño at iba pang kinatawan ng mga partido politikal sa Kamara.

“Recognizing the complexities and challenges of this peace process, we pledge our support and commitment to contribute constructively to these negotiations. We are united in the belief that through dialogue, empathy, and mutual respect, we can overcome historical divides and build a more inclusive and peaceful nation,” sinabi pa ng mga lider sa pahayag.

“We urge all Filipinos from every corner of our archipelago to join us in this noble pursuit. It is only through our joint efforts that we can turn the aspirations of peace, unity, and progress into reality,” dagdag pa nila.

“In solidarity, we commend President Marcos for his visionary leadership. Together, as a united House of Representatives and as one nation, we look forward to a future marked by peace, unity, and prosperity for all Filipinos,” ayon sa pahayag.