Wedding ng taon? Cong TV, Viy Cortez gumasta 8-digits sa kasal

Umabot sa 8-digits o sampung milyon mahigit ang halagang nagastos ng mag-asawang Cong TV o Lincoln Velasquez sa totoong buhay at Viy Cortez para sa kanilang kasal.

Umabot sa 8-digits o sampung milyon mahigit ang halagang nagastos ng mag-asawang Cong TV o Lincoln Velasquez sa totoong buhay at Viy Cortez para sa kanilang kasal.

Ito ang ibinunyag ng kanilang wedding planner na si Princess Anne Ramos sa kanyang Instagram story nitong June 20.

“Sobrang bait nila. [Cong and Viy] asked for the suppliers’ lineup to tag us and thank everyone, even though they already thanked us many times before,” share ng wedding planner habang pinapakita ang screenshot ng Instagram post ni Viy Cortez na naka-tag ang page ng ni Ramos.

“They spent 8 digits on their wedding—yes, you read that right! Yet they still wanted to acknowledge everyone who worked on their wedding, even though some might think we’re [X-deals]. The couple insisted on tagging us all!” dagdag nito.

Tila naman sumang-ayon si Viy sa sinabi ni Ramos sa 8-digit wedding budget nila dahil ni-repost niya ang story nito.

“Mahal namin kayo, Miss P. Salamat sa inyo,” caption ni Viy sa kanyang reposted Instagram story.