‘We will not yield’: PBBM, nanindigan sa pagprotekta sa teritoryo ng ‘Pinas

Sa kanyang talumpati sa harap ng Australian parliament, muling idiniin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na hindi isusuko ng Pilipinas ang teritoryo nito.

Sa kanyang talumpati sa harap ng Australian parliament, muling idiniin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na hindi isusuko ng Pilipinas ang teritoryo nito.

Ayon kay Marcos, hindi natitinag ang bansa kahit pa malaking banta ang kinakaharap nito sa isyu ng West Philippine Sea.

“I shall never tire of repeating the declaration that I made from the first day that I took office: I will not allow any attempt by any foreign power to take even one square inch of our sovereign territory. The challenges that we face may be formidable, but equally formidable is our resolve. We will not yield,” ani Marcos.

Patuloy ang sigalot ng ilang bansa kasama ang Pilipinas hinggil sa kontrol sa mga teritoryo sa South China Sea, kabilang ang West Philippine Sea na inaangkin ng China.

Sinabi din ng Pangulo sa kanyang talumpati na kailangang mas magtulungan ng Pilipinas at Australia upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa rehiyon.

“In Australia, we see a natural partner in our efforts to defend, preserve, to uphold our open, inclusive, and rules-based international order to ensure that it remains governed by international law and informed by the principles of equity and justice,” saad ng Pangulo.