‘We have a working government’: Planong destabilization kontra PBBM, makakasama lang sa bansa—solon

Matatakot lamang ang mga mamumuhunan sana sa bansa kung magpapatuloy ang mga usap-usapang pabagsakin ang gobyerno.

Makakasama sa bansa kung may magtangkang magpatalsik kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ayon sa isang mambabatas.

Iyan ang hinuha ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr., sa gitna ng mga usap-usapang may destabilization plot kontra kay Marcos.

“We cannot afford any political and economic instability. A plot to overthrow the administration won’t do us any good,” sabi ni Barzaga, chairman of the House Committee on Natural Resources, sa isang pahayag nitong Martes, Nobyembre 7.

Nauna nang napabalitang may mga grupong nagtatangkang patalsikin ang kasalukuyang pamahalaan.

“We don’t need their adventurism. We have a working government duly elected by an overwhelming majority of the people, more than 31.6 million margin. They have to respect the people’s decision,” saad pa ng mambabatas.

Dagdag pa niya, matatakot lamang ang mga mamumuhunan sana sa bansa kung magpapatuloy ang mga usap-usapang ito.