‘We are working for the people’: PBBM, pinaalalahanan ang mga opisyal na gamiting mabuti ang budget

Galing rin sa taumbayan ang pondo ng bayan, kaya naman hinimok ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga opisyal ng gobyerno na gamitin ng wasto ang national budget para sa 2024.

Sa pagpirma niya ng General Appropriations Act (GAA) of 2024 sa Palasyo nitong Miyerkules, Disyembre 20, ay may mariing paalala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.: “We are working for the people, not for ourselves.”

Kanya naman hinimok niya ang lahat ng opisyal sa gobyerno na gamitin mabuti ang national budget at siguraduhin ang wastong paggastos nito dahil ang mamamayang Pilipino ang naghirap para dito.

“We are curtailed by what we can collect, by what our tax coffers contain. We can be reckless— take the easy path, borrow, and let our children pick today’s tab up tomorrow. But debt is not the kind of inheritance that we want those who will come after us,” aniya.

Hinikayat rin niya ang lahat na siguraduhin ang “good fiscal stewardship” pagdating sa paggamit sa budget.

“Good fiscal stewardship imposes upon us discipline not to be led into the temptation of bloating what we owe. Good government dictates upon us the duty to spend the appropriations we have cobbled together for the correct purposes, the right way, on time, and on budget,” paliwanag ng pangulo.

Hiniling rin niya sa mga opisyal ng pamahalaan na siguraduhing maipapatupad ang mga proyekto ng administrasyon at on-budget ang mga ito.