‘We are ready to embrace the RHB!’ Romualdez, handang makipagtulungan sa Senado upang matuloy ang economic Cha-Cha

Bagaman hindi sang-ayon sa People’s Initiative, inihain naman ng Senado, sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Resolution of Both Houses (RHB) No. 6, na naglalayong talakayin ang mga probisyon sa Saligang Batas na may kinalaman sa ekonomiya.

“I’m ready to work with them (senators) hand in hand.”

Iyan ang sinabi ni House Speaker Martin Romualdez nitong Miyerkules, Enero 24, matapos maglabas ng manipesto ang Senado na tahasang kinokondena ang People’s Initiative at ang papel diumano ng Kamara dito.

“I’m ready to work with them hand in hand. We are ready to embrace the RHB, and I’m already telling everyone here that this is a welcome development if the House and the Senate can work together in unity,” pagtitiyak ni Romualdez sa isang press briefing.

BASAHIN RIN: Nagsalita na ang madalang pipol! Sapat na bilang ng pirma para sa People’s Initiative, nakamit na — mambabatas

Matatandaang tila nagkalamat na sa pagitan ng Senado at House of Representatives dahil sa magkaibang pananaw nito patungkol sa Charter Change (Cha-Cha).

“Because that has always been the message of the President (Ferdinand R. Marcos Jr.), to work together for the betterment of the country and the people,” dagdag pa ng Speaker.

Bagaman hindi sang-ayon sa People’s Initiative, inihain naman ng Senado, sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Resolution of Both Houses (RHB) No. 6, na naglalayong talakayin ang mga probisyon sa Saligang Batas na may kinalaman sa ekonomiya.

BASAHIN RIN: Boses ng mamamayan, dapat pakinggan!!! Kamara, wapakels sa People’s Initiative pero suportado ang Cha-Cha—Romualdez