‘We are one with PBBM’: Kamara, nagpasa ng resolusyon na sumusuporta sa ‘Bagong Pilipinas’

Ang Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ay hindi lamang marka ng kaniyang liderato kundi isang “call to unity” rin upang magtulong-tulong ang lahat tungo sa mas magandang kinabukasan.

Ipinasa ng House of Representatives nitong Lunes, Enero 29, ang isang resolusyong naghahayag ng “strong and unqualified” na suporta nito kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at sa inilunsad nitong “Bagong Pilipinas.”

“The House of Representatives fully supports and adheres to the call of His Excellency President Ferdinand R. Marcos Jr. to bring the country toward a ‘Bagong Pilipinas’ and rekindle the hopes of the Filipino people for genuine development and better tomorrow,” sabi ng House Resolution 1557, na sinulat ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. na marka ng liderato ni Marcos ang Bagong Pilipinas na layong magbigay sa bayan ng “principled, accountable, and dependable government” sa tulong na rin ng iba’t ibang institusyon—pribado man o pampubliko.

“Spearheaded by President Marcos, ‘Bagong Pilipinas’ is envisioned to foster a unified commitment towards nation-building, the pursuance of excellence and innovation, and the upliftment of the life of every ‘Bagong Filipino’,” saad ni Gonzales.

Ayon naman kay Romualdez, sang-ayon ang iba’t ibang partido pagbibigay suporta sa Bagong Pilipinas.

“So, these major political parties that comprise the membership of the House—we are one in solidarity with President BBM in his endeavor to bring about a Bagong Pilipinas and a better life for our people,” aniya.

Dagdag pa ni Gonazles, isang “call to unity” ang Bagong Pilipinas upang magtulong-tulong ang lahat tungo sa mas magandang kinabukasan.