‘We are applying science’: Gobyerno, nakatuon sa laban kontra inflation–Finance Secretary

Ayon sa kalihim, sinisigurado na ng gobyerno na may sapat na local production ng basic goods, gaya ng bigas.

Tiniyak ni Finance Secretary Benjamin Diokno nitong Martes, Nobyembre 28, na ginagawa ng gobyerno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat upang siguraduhing malalabanan nito ang inflation.

Ayon kay Diokno, sinisigurado na ng gobyerno na may sapat na local production ng basic goods, gaya ng bigas.

“We want to improve the production and fill the domestic supply gap through timely and adequate importation based on ex-ante supply and demand analysis,” paliwanag ni Diokno sa isang press briefing sa Malacañang.

Dagdag niya, gagamit ng siyensiya ang Malacañang sa mga hakbangin nito.

“So, we are applying science to anticipate the gap between magkano ba iyong kailangan ng ekonomiya at magkano ang kailangan nating angkatin. And so we have to do that in a timely manners, so hindi maaapektuhan iyong presyo masyado,” aniya.

Bumaba ang bahagya ang inflation sa bansa mula 6.1% noong Setyembre sa 4.9% nitong Oktubre—Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa 5.1 hanggang 5.9% pagtataya ng BSP.