Water is Life: MMDA Humanitarian Team nakapagbigay ng 960 gallon ng malinis na tubig sa Davao de Oro

Nasa 6,188 indibidwal sa evacuation centers sa Nuevo Iloco National High School sa Mawab, Davao de Oro at sa Andili National High School sa Maco, Davao de Oro ang nakinabang sa malinis na tubig.

Aabot ng kabuuang 960 na gallon ng malinis na tubig ang naipamahagi ng humanitarian team ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga residente ng Davao de Oro.

Nagpadala ang MMDA ang 30-kataong humanitarian team para tumulong sa mga residenteng apektado ng pagbaha at landslide bungsod ng naranasang mga pag-ulan sa probinsya.

Pangunahing tinugunan ng mga tauhan ng MMDA ang problema sa mapagkukunan ng malinis na tubig ng mga residente dahil apektado ng pagbaha at landslide ang mga water sources sa lugar.

Nasa 6,188 indibidwal sa evacuation centers sa Nuevo Iloco National High School sa Mawab, Davao de Oro at sa Andili National High School sa Maco, Davao de Oro ang nakinabang sa malinis na tubig.

Una nang namahagi ang MMDA humanitarian contingent ng filtered water sa dalawang barangay sa Carmen, Davao del Norte.

60 units na solar-powered water filtration system ang dala ng grupo na may kakakayahan na mag-filter o maglinis ng 180 galon ng tubig kada oras.