Waray Pride, nangibabaw sa PT board exam!

"Dream come true po ito para sa akin," pag-amin ni Michael Nivera, isang graduate ng Remedios T. Romualdez (RTR) Medical Foundation, na nanguna sa Physical Therapists Board Examinations na ginanap noong Hunyo.

“Dream come true po ito para sa akin,” pag-amin ni Michael Nivera, isang graduate ng Remedios T. Romualdez (RTR) Medical Foundation, na nanguna sa Physical Therapists Board Examinations na ginanap noong Hunyo.

Si Nivera ay nakapagtala ng 91.95% rating sa board exam kung saan 516 sa 811 kumuha ang pumasa.

“Nagpapasalamat po ako sa RTR dahil tunay na quality education ang aming natanggap mula sa pamantasan. Sobra lang po akong full of gratitude para sa lahat ng naniwala sa akin” dagdag pa ni Nivera.

Bukod kay Nivera, ang iba pang mga Warays na sumikwat sa Top 10 ay sina Bien Yamon (91.05% – 2nd place), Clarence Noguerra (8th place), at Sigfred Jay Bernales (10th place).

Ayon naman kay Jay Anthony Cañete, head ng Department of Physical Therapy ng RTR, hindi nila inaasahan na makakakuha sila ng ganito kahusay na resulta.

“Dito po sa PT department ng RTR, sobrang proud kami sa latest batch ng nag-take ng licensure exams, lalong-lalo na sa apat na nakatuntong ng Top 10. Hindi kami makapaniwala na pati Top 1 and 2 ay nakuha namin kasi we were just hoping lang na makapasa ang aming board takers,” pagbubulalas ni Cañete

Sa 29 na graduate ng RTR na kumuha ng pagsusulit ay 28 ang pumasa.

Samantala, ipihayag ng power couple na sina Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Tingog party-list Rep. Yedda Romualdez ang kanilang malaking kagalakan at papuri sa performance ng mga graduate mula sa Remedios T. Romualdez (RTR) Medical Foundation sa kamakailan lamang na Physical Therapists Board Examination.