Wanted sa 8 counts ng rape, timbog sa Laguna!

Na-aresto ng pulisya ang isang lalaki sa Calamba, Laguna na wanted sa 8 counts ng rape sa Las Piñas City.

Na-aresto ng pulisya ang isang lalaki sa Calamba, Laguna na wanted sa 8 counts ng rape sa Las Piñas City.

Nadakip ng mga tauhan ng Las Piñas City Police si alyas Jake, 37, bandang 4 ng hapon noong Biyernes sa Barangay Bubuyan, Calamba, Laguna

Ayons a kapulisan, ang lalaki ay isa sa top most wanted ng Southern Police District (SPD)

Dinakip ito sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni Presi­ding Judge Nerina C.N. Anastacio ­Mendinueto ng Regional Trial Court Branch 199, Las Piñas City, kaugnay sa walong bilang ng rape.

Walang inirekomendang piyansa o bail para sa pansamantalang paglaya nito.