Wanted poster ni Quiboloy, ginawang eco bag; patok sa netizens!

Bumenta sa mga netizen ang pakulo ng Maginhawa Eco-Store, kung saan nagbebenta sila ng eco bag na may wanted poster ni Pastor Apollo Quiboloy.

Bumenta sa mga netizen ang pakulo ng Maginhawa Eco-Store, kung saan nagbebenta sila ng eco bag na may wanted poster ni Pastor Apollo Quiboloy.

Ibinahagi ng Eco-Store noong Marso 13 ang larawan ng ibinebenta nilang eco bag. Naka-imprenta sa eco bag ang wanted poster ni Quiboloy na inilabas ng FBI.

Nag-viral ang post ng Maginhawa at mayroon na itong higit 13,000 reactions at 11,000 shares sa kasalukuyan.

Base sa komento ng Maghinhawa, totoo ngang nagbebenta sila ng naturang eco bag. Ibinahagi rin nilang agad na na-sold out ang unang batch ng naturang produkto.

“Para maibsan po ang inyong agam-agam, paki DM na lang po kami kung nais ninyong umorder. Limited lang po ang aming stocks. Pipilitin po naming masagot ang inyong mga DMs,” saad sa komento ng Maginhawa.

Si Quiboloy ay wanted sa patong-patong na kaso sa Amerika.