Wanted murderer, arestado matapos 2 dekadang pagtatago

Nadakip ang isang lalaki na wanted dahil sa pagpatay umano ng kanyang nakainuman, halos dalawang dekada na ang nakararaan.

Nadakip ang isang lalaki na wanted dahil sa pagpatay umano ng kanyang nakainuman, halos dalawang dekada na ang nakararaan.

Nadakip ang 41-anyos na suspek sa Barangay Bel Air sa Makati nitong Martes, alas-5 ng hapon.

Ayon sa Manila Police District, nalaman nilang nagtatrabaho ang wanted na lalaki sa isang kompanya sa Makati.

Ang krimen ay nangyari noong 2007 sa Sta. Ana, Manila, kung saan nagkaroon ito ng alitan s kanyang kainuman.

“Ang dahilan niya at base na rin sa account niya, binubully din siya nito. Nagkaroon sila ng physical confrontation. May mga kasama siya dito kung saan nga napatay niya itong biktima,” sabi ni MPD spokesperson PMaj. Philipp Ines.

May dalawa pa umanong suspek na patuloy pang hinahanap ng mga awtoridad.